-- Advertisements --
ZION

Nakuha ng New Orleans Pelicans ang ikawang panalo kontra sa New Yorks Knicks sa score na 96-87.

Hindi nagpabaya ang dalawang starters ng team na sina Brandon Ingram at Zion Williamson na kumamada ng 50 points combined score habang nagbuhos din ng 12 points si CJ McCollum upang dominahin ang laro.

Solid ang depensa ng Pelicans sa mga shooters ng Knicks bagay na natambakan nila ng 18 puntos sa halftime kung saan nagtapos sa iskor na 55-37.

Uminit din sa huling quarter si RJ Barret ng Knicks na may kabuuang 18 points at may kasamang 3 rebounds at 3 assists ngunit hindi ito sapat upang maiuwi ang panalo.

Sa kasalukuyan may kartadang 2-0 win loss record ang Pelicans habang 1-2 naman sa Knicks.