Pormal nang itinalaga si PCol Ronan Claravall bilang bagong acting director ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO).
Ito’y matapos ang isinagawang Turnover of Command Ceremony kaninang umaga, Hulyo 8, sa Camp Francisco Fernandez Jr., Sibulan, Negros Oriental na pinangunahan ni Police Regional Office-7 Director PBGen Anthony Aberin.
Pinalitan nito sa pwesto si PCol Alex Recinto.
Malugod namang tinanggap nito ang posisyon at hamon na gawing ligtas na lugar ang Negros Oriental.
Matatandaang bago maitalaga bilang bagong acting provincial director ay nanungkulan din si Claravall bilang commander ng Regional Mobile Force Battallion-7.
Samantala, sa mensahe ni PBGen Aberin, asahan umano niyang ipagpapatuloy ni Col Claravall ang nasimulan ng mga programa ni Col Recinto.
Pinayuhan pa niya ang bagong provincial director na matuto sa mga pagkakamali ng mga nauna upang hindi niya magawa ang parehong pagkakamali.