Tiniyak ng Philippine Coast Guard na walang makakalusot na anumang banta sa maritime security sa araw ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.
Kaugnay nito,nagsagawa ng simulation exercise ang PCG bilang bahagi ng security operations sa Pasig River at Manila Bay para matiyak na walang banta na makakalusot sa araw ng inagurasyon.
Nagsagawa ng pagpapatrolya ang PCG gamit ang mga assets gaya ng rigid hull inflatable boats at multi-role response vessels (MRRVs) na gagamitin din para sa pagpapatrolya sa pangunahing katubigan sa palibot ng National Museum kung saan gaganapin ang panunumpa bilang Pangulo ni Marcos Jr.
Ayon kay CG spokesperson Commodore Armand Balilo, puspusan ang kanilang paghahandag ginagawa at pagpapatrolya sa katubigan.
Nakabantay din ang PCG sa Pasig river at nakadeploy na din ang mga tauhan sa Manila Bay.
Nasa 500 PCG personnel ang ipapakalat sa araw ng inagurasyon sa Hunyo 30 kung saan nasa 300 miyembro mula sa securiity forces, k9 teams at medical groups habang nasa 200 personnel ang naka-standby para sa augmentation.
-- Advertisements --










