-- Advertisements --
Coast Guard

Muling magsasagawa ang mga air asset ng Philippine Coast Guard (PCG) ng aerial inspection sa bahagi ng Mamburao, Occidental Mindoro kung saan lumubog ang FV Liberty 5 matapos mabangga ng MV Vienna Wood.

Ito ay bahagi na rin ng huling araw ng full search and retrieval operation ng coast guard para mahanap ang 14 Pinoy na mangingisdang nakasakay sa lumubog na fishing vessel.

Maagang nagtungo sa Mamburao ang PCG Islander 251 para sa aerial surveillance.

Ayon sa PCG, simula bukas, aalis na rin ang malalaking barko at aerial assets sa bahagi ng Mamburao subalit magpapatuloy pa rin ang monitoring ng search and retrieval team ng PCG sa lugar. 

Kabilang na dito ang mga barko ng PCG at eroplano ng Philippine Ari Force, na nagsagawa ng search operation sa Mindoro Strait, Busunga, hilagang bahagi ng Coron sa Palawan hanggang sa Verde Island sa Batangas. 

Maalalang kahapon ay kinasuhan na rin ng PCG sa piskalya ng Mamburao Occidental Mindoro ang shipping company na nagmamay-ari ng MV Vienna Wood at ang mga opisyal ng naturang barko na nakabangga sa FV Liberty 5.

Ayon kay PH Coast Guard Spokesperson Commodore Armand Balilo, nagsampa ang PCG ng reckless imprudence resulting to multiple homicide and damage to property sa Provincial Prosecutors Office sa Mamburao kaninang umaga.

Ito ay matapos na makatugon ang PCG sa requirement ni Prosecutor Rowena Garcia-Villaflores.

Samantala, sinabi ni Commodore Balilo na ang full search and retrieval operations para sa labing apat na sakay ng Liberty 5 ay magpapatuloy hanggang bukas, July 7, 2020