-- Advertisements --
PCG bus

Nagpaalala ngayon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga health workers at mga frontliners na mayroong libreng sakay silang iniaalok.

Kasunod na rin ito ng pagsasailalim sa Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ) kaninang hatinggabi.

Katuwang ang Department of Transportation (DoTr), tuloy p arin ang kanilang free bus service para sa lahat ng frontliners.

Mayroon itong dalawang shift kada araw mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi at mula alas-6:00 ng gabi hangggang alas-6:00 ng umaga.

Kabilang sa mga available na ruta para sa libreng sakay na ito ng gobyerno ay ang Malanday-Welcome Rotunda, Paso de Blas-Welcome Rotunda, Tungkong Mangga-Quezon City, Masinag-Ortigas, Cainta-BGC-Pasig, Quezon Ave-E.Rod-Cubao, Alabang-Makati-BGC, Alabang Feeder Route, Alabang-Manila Line, Aguinaldo Highway Line, Alabang-Cavite Line, Pasig-Greenhills-Manda-Makati, Taytay-Santa Mesa, Molino-Manila Line, Sucat Line, San Mateo Line, North Caloocan Feeder Route, Cavite North Line at ang Laguna Line.

Mayroong 20 na ruta ang bus ng PCG dito sa Metro Manila.