-- Advertisements --
Naniniwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na dapat pang mapalakas ng Armed Forces of the Philippines ang ginagawang mga hakbang sa paghahanda sa gitna ng geopolitical issues gaya ng tensiyon sa West Philippine sea.
Sinabi ng Pangulo na dapat matiyak ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na epektibo ang ginagawa nitong mga hakbang upang mapigilan ang anomang banta.
Siniguro ng chief executive ang buong suporta ng pamahalaan sa militar.
Binigyang-diin ng Presidente na Committed aniya ang kanyang Administrasyon na suportahan ang anomang inisyatibo bastat para sa Hukbong Sandatahan.