Inanunsiyo ng Palasyo Malacañang na matatapos na bukas, Disyembre 10 ang isolation ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos dapuan sa ikatlong pagkakataon ng COVID-19.
Ito ay alinsunod na rin sa guidelined ng Department of Health na inirekomendang 5 day isolation ng Pangulo ayon kay Communications Secretary Cheloy Garafil.
Base sa huling diagnosis sa Pangulo, recovered na ang Pangulo mula sa COVID-19. Wala na rin itong ubo, nasal congestion at lagnat sa mahigit 24 oras.
Subalit inirerekomenda pa rin ang pagsusuot ng face mask ng Pangulo sa loob ng 10 araw sa kaniyang public engagement bilang pag-iingat.
Una ng inanunsiyo ng Palasyo na nagpositibo sa sakit noong Disyembre 5.
Sa kabila naman ng pagpositibo ni PBBM ay patuloy pa rin ginampanan ng Pangulo ang kaniyang tungkulin.
Matatandaan na una ng dinapuan ng COVID-19 si PBBM noong Marso 2020 nang umuwi ito galing sa kaniyang biyahe sa Spain. Dinapuan ng naturang sakit ang Pangulo sa ikalawang pagkakataon noong Hulyo 2022.