-- Advertisements --
paul

Agaw pansin sa naka-post na larawan sa social media na ini-upload ni Direk Paul Soriano kasama ang misis na si Toni Gonzaga at si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ipinarating ni Soriano sa pangulo ang pasasalamat dahil sa treat sa kanila na lunch sa loob ng Palasyo.

Kung maalala si Toni ay masugid na supporter ng pangulo habang si Soriano naman ang nasa likod ng mga blog ni PBBM lalo na ang unang SONA noong buwan ng Hulyo.