Nagsasagawa nang aerial inspection si Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa Cebu-Negros-Panay (CNP) 230-kiloVolt (kV) Backbone project
Ito ay bahagi sa isinagawang energization ng pasilidad para sa full capacity ng buong transmission system sa Visayas.
Sabay-sabay na pagaganahin ang Cebu-Negros-Panay Backbone sa mga lalawigan ng Iloilo, Negros Occidental at Cebu sa seremonya na gaganapin dito sa Bacolod Substation ng National Grid Corporation of the Philippines.
Ayon sa NGCP, hindi biro ang kanilang pinagdaanan bago nakumpleto ang proyektong ito.
Sa katunayan, bagama’t sinertipikahan bilang Energy Project of National Significance (EPNS) noon pang 2019, naharap ito sa iba’t ibang hamon partikular sa usapin ng right-of-way dahil sa pagtutol ng mga may-ari ng lupa, idagdag pa ang matagal na judicial process at permitting process ng LGUs, security issues at Covid-19 pandemic.
Pursigido naman ang NGCP na magbigay ng maaasahang imprastraktura para sa kuryente kaya naman mapatunay anila ang CNP sa commitment na mapalakas ang power transmission capabilities ng bansa.
At bagama’t malaking tulong sa pagpapabuti ng paghahatid ng kuryente, aminado ang NGCP na hindi lang ito ang solusyon sa problema sa kuryente partikular sa Panay dahil dedepende pa rin ito sa sapat na supply.