-- Advertisements --

Dumistansiya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa tanong kung posible bang pansamantalang i take over ng gobyerno ang industriya ng langis sa gitna ng nararanasan ngayong krisis sa suplay at presyo sa pandaigdigang merkado.

Sinabi ng Pangulo na ayaw niyang pag usapan ang bagay na ito.

Una ng inamin ng Pangulo na walang kontrol ang gobyerno sa presyuhan ng langis lalo pa at pabago-bago ang presyo nito sa world market. 

Maging ang oil producers aniya ay hindi tiyak kung hanggang kelan tatagal ang pagsu suplay lalo pa at apektado ng giyera sa gitnang silangan ang Strait of Hormuz o ang pangunahing ruta ng mga ibina biyaheng langis sa ibat-ibang parte ng mundo. 

Ayon sa Pangulo, mahirap magplano kung pabago bago ang presyo ng langis, kaya naghahanap aniya sila ng optimum levels sa usapin ng suporta, pagsuspinde sa ilang bayarin o charges sa mga produktong pagkain at iba pa inisyatibo para hindi maramdaman ng taongbayan ang buong bigat ng epekto ng nangyayari ngayon sa Middle East.