-- Advertisements --
Binigyan ng Thinktank na Stratbase ADR Institute si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng 8 out of 10 na grado sa kaniyang unang termino at kontento din ito sa kaniyang pamumuno.
Sinabi ni Stratbase President Dindo Manhit na napatupad ng maraming reporma ang Marcos administration at bagong mga polisiya sa kabila ng minanang hindi magandang fiscal situation sa gitna ng pandemiya, maayos ang pagrekober ng ekonomiya.
Nakikita din nito ang malakas na prospect para sa mas collaborative at transparent na pamamahala sa ilalim ng Marcos admintration.
Sa kabila nito, sinabi din nito na dapat na ang mga prograam ng pamahalaan ay tumutugon sa mahahalagang concerns ng mga Pilipino gaya ng presyo ng goods, mga trabaho at sahod.