-- Advertisements --
jayson castro paul lee 1635044345

Magbabalik-aksyon na ang ika-48th season ng Philippine Basketball Association ngayong araw, November 5.

Matapos ang anim na buwan na paghahanda at paglahok ng bansa sa FIBA World Cup at 19th Asian Games, magsisimula na naman ang ika-48th season ng PBA Commissioner’s Cup.

Unang magsasagupaan ang dalawang powerhouse teams na Magnolia at TNT Tropang Giga.

Ibabandera ng TNT ang dating import ng Converge na si Quincy Miller habang si Tyler Bey naman ang gagabay sa Hotshot bilang import.

Bago ang nakatakdang laban alas 7 ng gabi ay magbibigay muna ang PBA ng awards alas kwatro ng hapon para sa mga outstanding na basketbolista noong Season 47 sa kanilang 47th Season Leo Awards.