-- Advertisements --

Hindi makakpaglaro ng hanggang tatlong linggo si Los Angeles Clippers star Paul George.

Ito ay matapos na magtamo ng injury sa kaniyang kanang tuhod.

Natamo nito ang injury sa pagkatalo nila sa Oklahoma City Thunder.

Ayon sa Clippers na maaring hindi makapaglaro ang 32-anyos na si George ng hanggang pitong laro.

May average si George na 23.8 points, 6.1 rebounds, 5.1 assists at 1.5 steals kada laro.