-- Advertisements --
Pumalo na sa 23 katao ang nasawi ng tamaan ng missile ng Russia ang apartment builiding sa Uman, Ukraine.
Ayon sa Ukrainian Interior Ministry na kabilang sa mga nasawi ay ang apat na bata.
Sugatan din sa insidente ang 18 ibang mga katao na nasa gusali na matatagpuan sa Cherkasy region.
Mayroong 46 na apartment ang nasabing gusali kung saan 27 sa mga dito ang labis na nawasak.
Umani naman ng pagkondina mula sa iba’t-ibang bansa ang ginawa na ito ng Russia kung saan nanguna ang France na nagsabing hindi nararapat na madamay ang mga bata sa nasabing mga kaguluhan.