-- Advertisements --

Umakyat na sa anim ang nasawi at 75 katao ang sugatan matapos na tamaan ng missile ng Russia ang residential area at unibersidad sa Kryvyi Rih.

Nagdulot ng matinding pinsala sa nasabing lugar at mga katabing gusali.

Gumamit umano ang Russia ng dalawang ballistic missiles na tinarget ang Kryvy Rih.

Magugunitang pinaigting ng Russia ang kanilang missile attack sa Ukraine bilang ganti sa ginawang pag-atake nila noong nakaraang linggo.