-- Advertisements --
Pumalo na sa mahigit 23,000 katao ang nasawi sa naganap na magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria.
Sa nasabing bilang ay 19,875 dito ay mula sa Turkey habang nanantili sa 3,377 ang nasawi sa Syria.
Mayroon namang 77,700 katao ang nasugatan sa insidente na patuloy na nagpapagaling sa pagamutan.
Tuloy-tuloy din ang pagdating ng mga tulong mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo at patuloy ang rescue efforts ng mga rescuers mula sa ibang bansa.