-- Advertisements --

Suspendido ang pasok sa lahat ng mga pampublikong gpaaralan sa probinsya ng Rizal sa harap nang mabilis na pagsirit ng COVID-19 cases sa buong bansa.

Sakop nito ang physical at virtual classes sa lahat ng levels sa mga pampublikong paaralan sa probinsya ng Rizal simula Enero 17 hanggang 29.

Samantala, dipende naman sa mga pribadong paaralan kung magpapatupad din sila ng kaparehong hakbang pero kailangan na makonsulta rin ang mga magulang pahinggil dito.

Magugunita na ang Rizal ay kasama sa nasa 50 iba pang mga lugar na inilagay sa ilalim ng Alert Level 3 mula Enero 16 hanggang 31 dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases.