-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 si Pasay City Rep. Antonio Calixto.
Sa ngayon, naka-isolate na ang kongresista, na nakakaranas ng mild case ng COVID-19.
Ayon kay Calixto, kaagad siyang nagpatingin sa doktor matapos na makaranas ng mild cough noong Lunes.
Negatibo naman sa COVID-19 ang resulta ng swab test na isinagawa sa close contacts ng kongresista, kabilang na ang immediate family members nito.
Gayunman, mananatili muna sila sa loob ng kanilang bahay sa susunod na 14 na araw alinsunod na rin sa payo ng kanilang mga doktor.
Iyong mga nakasalamuha naman ng kongresista sa kanyang opisina ay sumailalim na rin sa COVID-19 tests at pinayuhan ding manatili muna sa kanilang bahay.