Hinimok ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang mga kapwa Pilipino na magtulungan upang palayain ang bansa mula sa mga tanikala ng gutom at kahirapan.
Ayon kay Yamsuan ang pagkamit ng tunay na kalayaan sa pamamagitan ng pagiging malaya mula sa mga tanikala na patuloy na pumipigil sa potensyal ng bansa para umunlad at siguraduhin na ang bawat Pilipino ay palaging pipiliin ang Pilipinas sa anumang hamon na darating.
Sinabi ni Yamsuan na hindi dapat itigil ang pagpupursigi upang makamit ang tunay na kalayaan at ito ay ang paglaya ng lahat sa gutom at kahirapan.
Binigyang-diin ni Yamsuan na sa ngayon patuloy natin hinaharap ang mga pagsubok ng modernong panahon, dahilan na pinaalalahanan nito ang sambayanang Filipino na magtulungan para makalaya ang bansa mula gutom at kahirapan sa pamamagitan ngpaglilingkod nang may puso dahil ito ay pata sa kinabukasan ng ating bayan at sa mga susunod pang henerasyon.
Panawagan din ni Yamsuan sa kasalukuyang henerasyon na maging safekeepers sa Yaman at mahahalagang leksiyon ng nakaraan.










