-- Advertisements --

Sasailalim pa sa huling chemotherapy session ang gitarista ng Parokya ni Edgar na si Gab Chee Kee.

Kinumpirma ito ng kanilang lead singer na si Chito Miranda kung saan itinuturing na isa itong magandang balita dahil sa pagbuti na ng kaniyang kalusugan.

Naniniwala ito na gagaling na ang kanilang gitarista at sabik na itong makasama ang mga fans sa mga tugtugan.

Magugunitang noong Marso ng makalabas na ng pagamutan si Chee Kee matapos ma-confine ng ilang buwan dahil sa pneumonia na may kumplikasyon sa sa kaniyang lymphoma.