-- Advertisements --

Ibinahagi ng singer na si Paris Hilton ang iconic na larawan nila ni Britney Spears.

Sa kaniyang social media account ay ipinakita nito ang larawan nila ni Spears na kuha pa noong 17 taon na nakakalipas.

Itinuturing nito na makahulugan dahil sa noong 2013 ay ginawang “Word of the Year ng Oxford Dictionaries ang salitang “Selfies”.

Ayon kay Hilton na tila sila ang nagpauso ng selfie bago pa man maisipan ng Oxford na isama ito sa kanilang listahan.