NAGA CITY – Isinailalim sa lockdown ang buong Holy Rosary Major Seminary gayundin ang buong Carmelite Monastery sa Naga City matapos na magpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang pari.
Batay sa inilabas na opisyal na pahayag ng lokal na pamahalaan ng lungsod, napag-alamang kinilala ang pasyente na si Bicol #338.
Ang naturang pasyente ay isang 31-anyos na lalaki.
Nabatid na noong Hulyo 21 ay naranasan nito ang pabalik-balik na lagnat sat kahapon, Hulyo 24 lamang nagkonsulta sa Bicol Medical Center at isinailalim na rin sa swab testing at positibo ang naturang pari sa COVID-19.
Napag-alaman din na wala itong travel history habang beniberipika pa ang history of exposure nito.
Sa ngayon, naka-quarantine na rin ang naturang pasyente.