-- Advertisements --

Umatras na ang rock band na Paramore sa festival ng Los Angeles.

Sa social media account ng banda, sinabi nila na dahil sa hindi maiwasang pangyayari ay minabuti nilang hindi tumuloy sa iHeartRadio ALTer Ego festival sa darating na Enero 13.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng ilang linggo ng tanggalin ng grupo ang lahat ng mga posting nila sa kanilang mga social media accounts.

Ang grupo na binubuo nina vocalist Hayley Williams, guitarist Taylor York at drummer Zac Farro ay makakasama nila ang mga bandang 1975, The Black Keys, Thiry Seconds to Mars at Yellowcard.

Dahil dito ay inanunsiyo ng organizers na papalitan sila ng grupong Fall Out Boy.