-- Advertisements --
Pumanaw na ang Pinoy Para chess player na si Sander Severino sa edad na 40.
Kinumpirma ito ng kaniyang pamilya ng malagutan ng hininga si Sander sa kanilang bahay sa Silay, Negros Occidental.
Noong walong taong gulang pa lamang kasi ito ay binigyan siya ng kaniyang doktor ng taning na mabuhay ng hanggang 20-anyos dahil sa sakit na muscle dystrophy o degeneration.
Noong nakaraang buwan ay nagdala pa ito ng limang gintong medalya sa ASEAN Para Games na ginanap sa Thailand.
Bumuhos naman ang mga pakikiramay mula sa kapwa nitong atleta sa bansa.















