Iaapela
ng Public Attorney’s Office (PAO) ang pagkaltas ng Senado sa P19.5
milyong pondo nila sa 2020 para sa forensic laboratory at equipments
na gagamitin pangunahin sa Dengvaxia cases.
Ayon kay PAO
Forensics Laboratory Chief dr. Erwin Erfe, dismayado sila sa budget
cut sa kanilang tanggapan na pinangunahan nina Sen. Frank Drilon at
Sen. Edgardo Angara.
Inilipat anya ang nasabing pondo ng
PAO sa National Bureau of Investigation (NBI) nang walang abiso.
Una
nang inaprubahan ng Kamara ang pondo para sa PAO forensics pero
hinarang ng senado sa budget hearing.
May hinala si Erfe
na may kinalaman sa koneksiyon nina Drilon at Angara sa mga abogado
ng Sanofi Pasteur kaya isinulong nila ang pagtapyas sa budget ng
PAO.
Ang ACCRA law kung saan nagsilbing law partners sina
Drilon at Angara ay ang nag-aabogado sa Sanofi Pasteur.
Umaasa
namab si PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta na pagdating sa
bicameral conference committee ay maibabalik sa kanila ang halos P20
milyong kinaltas na budget.
Home Top Stories
PAO, hihirit para maibalik ang kinaltas na pondo ng forensic lab
-- Advertisements --









