-- Advertisements --
DFA1

Dalawang panukalang batas ang inihain sa Senado para dagdagan ang buwanang pension at disability benefits ng mga retirees ng Department of Affairs.

Sasakupin ng Senate Bill no. 829 ni Senate Pro Tempore Loren Legarda at ang Senate Bill no. 1510 ni Senator Risa Hontiveros ang mga empleyado ng naturang ahensya na patuloy na nagsilbi nang hindi bababa sa 15 taon at karapat-dapat na makatanggap ng buwanang pensiyon mula sa Government Service Insurance System (GSIS)

Ang mga opisyal at empleyado ng Department of Foreign Affairs na nagretiro bago ang bisa ng batas ay hindi naman maipapasama sa panukala, sa halip ay normal ang matatanggap na benepisyo mula sa Government Service Insurance System (GSIS) Act.

Sa ilalim ng mga panukalang batas, ang buwanang mga benepisyo ng pensiyon ng lahat ng mga Department of Foreign Affairs retirees, gaya ng initadhana sa ilalim ng Republic Act No. 7157 o Philippine Foreign Service Act of 191, ay awtomatikong jaakma sa parehong rate ng anumang hinaharap o kasunod ng pagtaas ng salary grade sa parehong ranggo kung saan sila nagretiro,

Sa kaso naman ng death benefits, ang mga asawang maiiwan at kung muling mag-aasawa, pati na ang kanilang mga anak ay maisasama sa benepisyo alinsunod sa Government Service Insurance System (GSIS) Act.

Una rito, ang mga paunang pondo ay manggagaling sa sa kasalukuyang ipon ng naturang ahensya habang ang mga susunod na pondo ay kukunin naman mula sa taunang halaga ng malilikom na kinakailangan para sa GSIS upang mapunan ang inayos na buwanang pensiyon.