-- Advertisements --

Inihain ngayon ni Duterte Youth Party-List Congresswoman Drixie Mae Cardema ang House Bill 4324 o ang Act to Outlaw the Communist Party of the Philippines, New People’s Army, & National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at lahat ng organisasyon na sumusuporta sa kanila sa kanilang recruitment, operasyon, mga transaksyon sa pinansyal, at para sa iba pang layunin.

Ayon kay Rep. Cardema, “no to peace talks sa CPP-NPA-NDF dahil sila ay kinukunsidera ng terorista, target ng grupo irecruit ang mga kabataang Pilipino para maging rebelde at umalsa laban sa gobyerno.

Aniya, gumagamit ng ibat ibang front organizations para mag recruit ng mga kabataan kaya dapat lamang imonitor itong mga front organizations.

Sinabi ni Cardema, sa pamamagitan ng pagbabalik ng Anti-Subversion Law, wawasakin natin ang CPP-NPA-NDF at lahat ng kanilang front organizations.