-- Advertisements --

Aprubado na sa huling pagbasa sa Kamara ang panulalang batas para i-criminalize ang online violence laban sa mga kababaihan at mga bata.

Nasa 272 mambabatas ang pumabor sa House Bill 8009 o ang electronic violence against women and children (E-VAWC) law na nagpapalawig sa saklaw ng 2004 violence against women and children law sa pamamagitan ng pagtukoy sa psychological violence bilang isang gawain o pagkukulang na nagawa sa pamamagitan ng pisikal, verbal, emotional, electronic devices o iba pang paraan na posibleng nagdulot ng mental o emotional suffering sa kababaihan at kaniyang anak gaya ng intimidation, harassment, stalking, damage to property, pagpapahiya sa publiko, verbal abuse at pakikiapid.

Nakapaloob din sa naturang panukala ang mga gawain na maituturing na oniline violence kabilang ang hindi aworisadong recording at pagpapakalat ng mg alarawan, videos at iba pang electronic materials na nagpapakita ng pribadong bahagi ng kbabae at bata o ang pagpapakita ng sexual conduct, sex-related expressions at gestures o anumang bayolente at hindi kanais-nais na gawain.

Saklaw din sa panukalang batas ang paggmit ng ICT materials para i-stalk, i-harass, pagbantaan at magpakalat ng maling impormasyon sa mga kababaihan at bata o gumawa ng pekeng social media accounts para siraan ang mga ito.

Ginagarantiyahan din sa ilalim ng panukalang batas ng 20 araw na paid leaves of absence ang mga biktima ng karahansan laban sa kababihan at mga bata para sila ay makarekoner a maghilom mula sa idinulotna trauma ng kanilang naranasan bilang karagdagan pa sa ibang paid leaves sa ilalim ng batas at company policies.