-- Advertisements --

Kinatigan ni Senadora Grace Poe ang panukala ng mataas na kapulungan na itaas pa ang pondo para sa supplementary feeding program ng DSWD mula sa P4 billion sa P6 billion sa 2024.

Ani Poe, magiging mas accessible ang free meals o libreng pagkain sa lahat ng public daycare at development centers.

Kaakibat naman ng pagtataas sa pondo sa programa ang pagtiyak na mas accessible at epektibo ang distribusyon ng free meals upang makamit ng mga bata ang kinakailangan at sapat na nutrisyon.

Para sa taong ito, ang programa ay mayroon nang 1.8 million beneficiaries na edad 3 hanggang 5 taong gulang.

Iginiit ni Poe ang pangangailangan na mabigyan ng tulong ang mga kabataan hindi lamang sa unang 1,000 araw kundi pati hanggang sa kanilang paglaki upang maalalayan ang mga ito sa wastong physical at mental development.

At para naman sa mas epektibong rollout ng supplemental feeding program, inihayag ng Senadora na dapat makipagugnayan ang DSWD sa mga barangay para sa kanilang araw-araw na operasyon.