-- Advertisements --

CEBU CITY – Naging malaliman ang imbestigasyon ng Police Regional Office (PRO)-7 hinggil sa pananatili ng isang NPA (New People’s Army) commanding officer sa mountain barangay sa Cebu City.

Ito’y kasunod ng pagkamatay ng isang Dennis Rodinas noong nakaraang gabi matapos umanong nanlaban sa mga pulis nang isinilbi sa kanya ang warrant of arrest.

Sa isang pulong-balitaan, sinabi ni PRO-7 Director B/Gen. Albert Ignatius Ferro, natunton ng mga pulis ang tirahan ni Rodenas sa Barangay Pung-ol Sibugay sa tulong ng “tip” mula sa mga residente.

Napag-alaman din ni Ferro na malaki ang pagdududa ng mga residente nang nagpagawa si Rodena ng rest house sa isang protected area.

Sinasabing kasi na naging “notorius” ang NPA leader na si Rodenas dahil sa kasong murder, pagnanakaw, at pagtakas sa kulungan.

Gayunman, nakikipagtulungan naman ang mga Cebuano upang maiwasan ang presensya ng mga rebeldeng grupo sa komunidad.