-- Advertisements --

Nakapagtala ngayon ang Estados Unidos 56,000 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw.

Ayon sa Johns Hopkins University, ito na ang pinakamaraming kaso sa nakalipas na halos dalawang buwan.

Ang panibagong record high ng COVID cases sa Amerika ay kasunod nang pagbubukas na rin ng klase doon.

Tanging ang estado umano ng Hawaii at Alabama ang nagpapakita lamang ng pagbaba ng mga bagong COVID cases.

Nasa 28 mga estado ang lumalabas na mataas pa rin ang nakikitang trend.

Sa ngayon nasa mahigit 7.8 million na ang kinapitan ng virus sa Amerika, habang ang death toll ay mahigit na sa 218,000.