-- Advertisements --
Tinatayang magpapatupad ng panibagong umento sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Inaasahang magkakaroon ng pinakamataas na umento sa presyo ng kerosene na nasa P1 hanggang P1.30 kada litro.
Sa presyo naman ng diesel, inaasahang tataas ng P0.90 hanggang P1.20 kada litro.
Habang sa presyo naman ng gasolina ay inaasahang walang paggalaw o bahagyang tataas ng hanggang P0.30 kada litro.
Inaasahang opisyal na iaanunsiyo ng mga kompaniya ng langis ang presyo ng mga produktong petrolyo sa araw ng Lunes at ipapatupad na sa araw ng Martes, Hunyo 27.