-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng taas presyo sa kanilang produkto.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.50 na dagdag presyo sa kada litro ng gasolina.

Habang mayroong P1.00 naman ang dagdag sa kada litro ng diesel at ang kerosene ay mayroong P0.90 na dagdag sa kada litro.

Itinuturong dahilan ng Department of Energy ng dagdag presyo sa petrolyo ay ang pagpataw ng panibagong sanctions ng US sa mga malalaking kumpanya ng langis sa Russia.