-- Advertisements --

Tuloy-tuloy pa rin sa pagbaba ang naitatalang bagong COVID-19 cases sa daily tally ng Department of Health (DOH) matapos na madagdag ang mga bagong nahawa sa 1,019.

Ito na ang pinakamababa na bilang ngayong taong 2022 o lowest mula Dec. 29, 2021.

Ang kabuuang tinamaan ng virus sa bansa mula noong taong 2020 ay umaabot na sa 3,654,284.

Mayroon namang naitalang nasa 2,988 na mga bagong gumaling.

Ang mga nakarekober sa bansa ay umaabot na sa kabuuang 3,541,840.

Samantala merong namang 13 nadagdag na mga pumanaw.

Ang death toll sa bansa ay nasa 55,776 na.

Bumaba naman sa 56,668 ang mga aktibong kaso sa bansa.

Ito na ang lowest mula January 6, 2022.

Meron namang limang mga laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).