-- Advertisements --
Nakatanggap ang bansa ng panibagong 537,600 doses ng COVID-19 vaccines mula sa kumpanyang Pfizer.
Ang nasabing COVID-19 vaccines na para sa mga bata ay donasyon mula sa United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF).
Lumapag ang eroplanong pinagsakyan ng nasabing bakuna sa Ninoy Aquino International Airport nitong Biyernes ng gabi.
Ayon naman sa Department of Health (DOH) na kanilang ipapamahagi ang bakuna sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.










