-- Advertisements --
image 368

Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang isang tinaguriang high value individual na babae matapos ang isinagawang buybust operation ngayong arw Oktubre 31, sa Brgy. Mactan lungsod ng Lapu-lapu.

Nakilala ang naaresto na si Arceli Cortez alyas Cel, 43 anyos at tubong Butuan City.

Nakumpiska mula sa posisyon ni Cortez ang 2,100 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P14.2 million pesos.

Inihayag pa ng suspek na mula pa umano sa dating nakakulong sa Mandaue City jail ang mga nakumpiskang droga.

Ayon sa pulisya, dati itong bodegera bago naging supplier ng iligal na droga sa Lapu-lapu City at sa mga kalapit na lungsod.

Sa ngayon, nakadetain na ang naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.