-- Advertisements --

Dumagdag ngayon ang grupo ng ilang kabataan na naghain ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) kontra sa nominasyon ni dating National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema bilang kinatawan ng Duterte Youth Partylist.

Kabilang sa mga naghain ng petisyon para kontrahin ang nominasyon ni Cardema sina Aunell Ross Angcos, Cyra Aurelio at Hannah Navarroza.

Ayon sa mga petitioners, nagkaroon daw ng material representation si Cardema sa kanyang kuwalipikasyon bilang Duterte Youth representative dahil 34-anyos na ito.

Dahil dito, inihirit ng grupo sa Comelec na ibasura o kanselahin na ang nominasyon ni Cardema bilang nominee ng partido.

Kasama ng mga kabataang naghain ng petisyon sina dating Comelec Chairman Sixto Brillantes at Atty. Emilio Maranon III.