-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Personal na dumulog sa tanggapan ng Bombo Radyo Koronadal ang panibago na namang biktima ng KAPA investment scam ni Joel Apolinario na nakapag-invest ng P100,000 na pera.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Alyas Toto, inihayag nito na naengganyo lamang itong mag-invest ng nasabing halaga dahil marami umano sa kanilang lugar ang nag-iinvest.
Ayon kay Toto, isinangla nito ang kanyang sakahan ng niyog na umabot pa umano sa dalawang hektarya para lamang mapagkainvest sa KAPA.
Ang nasabing sakahan lamang umano ang kanyang hanapbuhay.
Sa ngayon, nanawagan ito kay Apolinario na ibalik ang pera na pinahirapan ng lahat ng miyembro ng KAPA.