-- Advertisements --
image 174

Target ng administrasyong Marcos na magkaroon ng burukratikong reporma para masawata ang smuggling at matiyak ang ease of doing business sa gitna ng kabiguan ng kasalukuyang sistema na matugunan ang mga kinakaharap na isyu ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Ayon sa PCO, nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Private Sector Advisory Council (PSAC) kung saan tahasang sinabi ng Pangulo na hindi epektibo ang kasalukuyang sistema at ipinunto na kailangang gumawa ng paraan ng mga ahensiya ng gobyerno partikular na para matugunan ang laganap na smuggling.

Paglalahad pa aniya ng Pangulo na ang mga isyu sa ease of doing business at inefficiency ng mga paliparan at pantalan sa bansa ang pangunahing mga reklamo na natatanggap mula sa business sector.

Kayat binigyang diin ng Pangulo na dapat na maging innovative ang concerned agencies at dapat na magtatag ng bagong mga ahensiya kung kinakailangan para maging epektibo sa pagtugon ng nasabing mga suliranin ng bansa.

Ayon sa PCO, isa sa mga rekomendasyon ang pagkakaroon ng database sa Bureau of Customs (BOC) at sa Department of Agriculture (DA) para matiyak ang episyenteng pagkalap at pagbabahagi ng mga impormasyon para malabanan ang smuggling.