-- Advertisements --
pbbm world economic forum

Naniniwala ang mga economic manager ng bansa na nagtagumpay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ginagawa nitong pagpapakilala sa ekonomiya at magandang business climate ng Pilipinas.

Kabilang na rin dito ang mas malaking merkado, kasabay ng pakikibahagi ng Philippine delegation sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland.

Sa press briefing ng economic managers ng bansa, sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na sa apat na araw na pakikibahagi ng pangulo sa forum na ito, marami na ang na-accomplish nito.

Marami na aniyang pulong ang nadaluhan ng pangulo, kasama ang matataas na lider ng iba’t ibang bansa.

At nailatag na rin aniya at patuloy pang ipinakikilala ng pangulo ang gumaganda pang business climate ng Pilipinas sa potential investors mula sa iba’t ibang bansa.

“Ang purpose talaga nito is to sell the country, nasaan tayo, ganoon. Kaya very timely itong pag-participate natin sa Davos conference na ito, unang-una, kasi tatlong taon silang sarado so first time na face-to-face; and secondly, we have a very nice story to tell, iyong anong sitwasyon natin after the pandemic. So iyon ang magandang pinunta namin dito.” —DOF Secretary Diokno.