Pinatitingnan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga bahay na nasa kategoryang partially damaged at totally damaged kaugnay ng nagdaang kalamidad sa Misamis Oriental nitong nagdaang kapaskuhan.
Sa pagbisita ng Pangulo sa mga apektadong residente sa Gingoog city, sinabi nitong nais niyang malaman kung ilang kabahayan ang bahagyang nawasak at ilan ang completely damaged.
Kung kakayanin aniyang muling maitayo sabi ng Pangulo ang mga tahanang nawasak ay magdadala ang pamahalaan ng rebuilding materials subalit kung hindi na uubra pa ay titingnan nilang maipagpatayo na lang ng bago.
Option din sabi ng pangulo ang dalhin na sa resettlement area ang mga residenteng tuluyn ng wala ng mababalikan pang kabahayan sa tulong na din n g National Housing Authority o NHA.
Pagtiyak ng Punong Ehekutibo, sisiguraduhin ng gobyerno na maibibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng pagbaha at landslide sa Misamis Oriental bunsod ng walang humpay n amalakas nap ag-ulan nitong nakaraang Pasko.