Nanguna si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbubukas ng bagong terminal building ng Clark International Airport sa Mabalacat City sa lalawigan ng Pampanga.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Pangulong Marcos na ang naturang proyekto ay isang patunay ng matagumpay na private-public partnership programs.
Layon ng proyekto na ma-decongest ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Metro Manila.
Ang 10,000 square-meter new terminal building ng Clark International Airport ay kayang mag-accommodate ng hangang eight million na mga pasahero kada taon gamit ang state-of-the-art facilities para sa mas ligtas at mas maginhawang pagbiyahe.
Ito rin ay inaasahang lilikha ng mas maraming trabaho, magsusulong ng masiglang turismo at socioeconomic activities sa Central Luzon.
Kasama naman ni Pangulong Marcos Jr. na dumalo sa aktibidad sina Firts Lady Liza Araneta-Marcos, Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, Department of Tourism, (DOT) Secretary Maria Esperanza Christina Garcia-Frasco at iba pang opisyal.