-- Advertisements --

BoMBO DAGUPAN- Nakatakdang magkita sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang hari ng Malaysia na si Sultan Abdullah Sultan Ahmad Shah para sa isang pagpupulong Istana Negra ngayong araw.

Ayon naman kay Maria Corazon Nadura, ang Bombo International News Correspondent mula sa bansang Malaysia, dahil ang unang agenda umano ng pangulo ay makumusta ang mga Overseas Filipino Workers sa naturang bansa, inaasahan aniya nilang mapag-uusapan ng dalawang lider ang paghahain ng mga solusyon para sa mga inaabusong OFW.

Patuloy aniya nilang hinihiling na maisagawa ng pangulo ang kaniyang mga pangako na tumutukoy sa kanilang kapakanan kabilang dito ang pagpapa-igting ng ugnayan sa mga agencies at Philippine Embassy.

Bukod pa sa usaping ito, inaasahan naman ni Nadura na sesentro muli sa usaping pangkalakalan ang magiging pag-uusap ng dalawang lider.

Samantala, naging mainit naman ang pagtanggap ng mga Pilipino sa Punong Ehekutibo partikular sa sa Kuala Lumpur.

Ang ilan sa kanila ay nanggaling pa sa iba’t ibang estado ng Malaysia upang personal na makita si Pang. Marcos.

May mga OFW pa umanong bumiyahe ng 4 na oras mula Johor Bahru patungong Kuala Lumpur upang makita ng personal ang pangulo.

Samantala, binigyan naman niya ng 8 na grado si pangulong Marcos sa kanyang kasalukuyang performance.