Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr sa Department of Health (DOH) na resolbahin ang mga isyu na nakakaapekto sa benepsiyo ng mga health workers sa bansa.
Ayon kay DOH officer-in-charge Ma. Rosario Vergeire na maliban sa COVID-19 vaccination drive at pandemic response ng gobyerno isa sa kaniyang prayoridad ay resolbahin ang isyu sa mga benpisyo ng mga frontline health care workers.
Plano aniyang simulang talakayin ito kasama ang mga healthcare workers at sa mga implementing units, titignan din ang challenges at kung paano matutugunan ito para mapabilis ang paglalabas ng mga benepisyo.
Ayon pa kay Vergeire, isusulong nito ang karagdagang pondo para sa benepisyo ng healthcare workers dahil aminado ito na kulang ang pondo para sa nasabing programa.
Saad pa ng DOH official na mayroon ng pondo na downloaded na sa Centers of Health Development ng DOH para sa benepisyo ng helathcare workers.
Kailangan na lamang ng karagdagang pondo para makumpleto at maibigay na ang mga benipisyo para sa healthcare workers.
-- Advertisements --










