-- Advertisements --

Nilinaw ni Sen. Imee Marcos na hindi babaguhin ng pamilya Marcos ang kasaysayan kasunod ng pagkapanalo ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngunit ibabahagi nila ang kanilang panig ng kuwento.

Nauna nang nagpasalamat ang senador na siyang panganay sa mga anak nina Marcos Sr at dating first lady Imelda Marcos, sa pagbibigay ng “second chance” sa kanilang pamilya.

Sinabi ni Marcos na siya ay “patuloy na makikipagtulungan sa bagong administrasyon upang matiyak na ang pinakamahihirap sa mahihirap ay makakakuha ng kanilang patas na bahagi.

Aniya, committed siya na matapos ang poverty sa bansa.

Hindi umano siya susuko at alam niyang ito rin ang pakiramdam ng 31 million voters na bumoto sa kaniyang kapatid.