-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nagpatulong na sa opisina ni Atty. Israelito Torreon ang pamilya ng Ateneo Blue Eagles import na si Divine Andili, na kasama sa pagkamatay ng 2025 Palarong Pambansa Most Valuable Player na si Rene Clert Baterbonia sa kanilang team-building sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8.

Sa isang press conference sa Davao City, inihayag ni Torreon na tumawag ang ina ni Adili mula Nigeria sa isa sa mga abogado ng Torreon-Bondoc law firm nitong nakaraang Sabado upang humingi ng tulong para makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanilang anak.

Ibinunyag din ng abogado na una nang tumawag ang tiyuhin ni Adili noong Hunyo a-10 sa staff ng naturang law firm para sa parehong dahilan.

Ayon kay Torreon, handa nilang tulungan ang pamilya ni Adili gaya ng ginawa nila para kay Baterbonia, ngunit kailangan pa itong gawing pormal bago tanggapin ang kaso.

Nanawagan si Torreon na huwag gawing pampulitika ang kanyang pagrepresenta sa kaso dahil layunin lamang niyang malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng mga atleta at maibigay sa kanilang pamilya ang hustisyang hinihingi nila.