-- Advertisements --
PMA SUGUI cadet
CDT 1CL GEMALYN DEOCARES SUGUI (Echague, Isabela)

CAUAYAN CITY – Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ngayon ng pamilya Sugui dahil naitaon din ang pagkamatay ng lolo ni 2nd Lt. Gemalyn Sugui na nanguna sa PMA Masidlawin Class of 2020.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Officer Mark Andrew Sugui, kapatid ni 2nd Lt. Gemalyn Sugui, sinabi niya na magkahalong emosyon ang kanilang nararamdaman ngayon dahil bagamat masayang-masaya sila sa naabot ng kanyang kapatid ay malungkot din sila dahil sa pagkamatay ng kanilang lolo.

Aniya, kaya siya umuwi sa Isabela mula sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ay para makita sa huling pagkakataon ang kanilang lolo.

Sa ngayon aniya ay hihintayin muna nilang mailibing ang kanilang lolo bago sila magkaroon ng kaunting salo-salo at pasasalamat para sa kapatid.

Idinagdag pa nito na maaring nalaman na rin ito ng kanyang kapatid sa pamamagitan ng social media.