-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Magkahalong sakit at saya ang nararamdaman ng pamilya Lambatan sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay dahil sa COVID-19 sa United Kingdom.
Pumanaw ang Filipino research nurse na si Ken Lambatan, 34-anyos, nagtrabaho sa St. George’s Hospital matapos makaranas ng hyper-coagulation.
Ayon kay Ezel Lambatan, kapatid ni Ken, kahit lubos silang nasaktan sa pagpanaw ng kanyang kapatid kapatid ay ipinagmamalaki naman nila ang naggawa nitong kabayanihan.
Pumanaw aniya si Ken na nagseserbisyo sa kapwa dahil sa propesyon nito bilang isang nurse.









