-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Naghihinagpis ang pamilya ng namatay na seaferer ng sinundo sa General Santos (GenSan) airport ang kabaong ng biktima na si Joel Linao.

Ayon kay Nick Linao na umalis ang kanyang kapatid sa kanilang bahay sa Polomolok South Cotabato nuong Hulyo 21 at pumunta ng Manila.

Dagdag pa nito na hindi kaagad nakilala ang kanyang kapatid dahil namaga ang mukha dahil sa iilang araw ng nakalutang sa dagat.

Nakumpirma na lamang ng lumabas ang DNA result matapos dinala sa pagamutan bago ito nalagutan ng hininga. Nalaman na may dalawang anak na iniwan ang biktima .

Matatandaan nalunod sa karagatang bahagi ng Japan ang Gulf Livestock 1 na sinakyan ng biktima.

Hindi rin malinaw kung nakatanggap ng tulong galing sa pamahalaan ang pamilya ng biktima.