-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Binabantaan ngayon ng rebeldeng New People’s Army o NPA ang pamilya Adlao matapos na ibinunton sa kanila ang pagkawala ni Vice Mayor Tony Adlaw.

Ayon sa nagpakilalang si Ka Sandara Sidlakan, tagapagsalit ng NPA-Suurigao del Sur, imbes na walang atraso sa kanilang grupo ang pamilya, ngayon ay kanila na itong tututukan matapos na inalegahan silang ang dumukot umano sa besi mayor matapos na hindi magbigay ng hiningi nilang 200-libong pisong permit to campaign fee.

Ayon kay Ka Sandara, posibleng drama lang ang nangyari dahil base sa kanilang monitoring mula sa mga taong kumupkop sa opisyal, maganda umano ang kinalalagyan nito kung kaya’t nais lamang umanong pag-uusapan ito ngayong nalalapit na ang eleksyon.